This is Wonder Wacky!

September 2, 2009

Pangarap

Filed under: Life — Tags: — Wackyista @ 5:26 pm

Ba’t ba ang tao kailangan mangarap? makahanap ng magandang trabaho, makapagtapos sa pag-aaral, yumaman, pumunta ng ibang bansa, makapag-asawa ng kano, maahon ang pamilya sa hirap, kumain ng masasarap, makahanap ng pogi, magkaroon ng malaking boobs, pumuti. Sari’t saring pangarap meron ang tao, mapasimple man o mahirap abutin, libre ang mangarap.

Naalala ko nung bata ako na ang parati kong hinihiling tuwing birthday ko ay makalipad. Parang sina superman at mighty mouse. Sabi kasi ng nanay ko pag hihiling daw ako ng nakapikit sa birthday ko at di ko sasabihin sa ibang tao matutupad daw ito. Ilang birthday ng nakalipas di parin ako makalipad. Di ko pa alam ung mga world peace na sagot, makasarili, uunahin ko munang makalipad ako kaysa magkaworld peace.

Pero nung tumanda na ako, nag-iiba ang pangarap ko nagiging realistic. Pangarap kong pumasa sa mga subjects ko kahit hindi nagbabasa ng notes, makapag-graduate kahit walang thesis, magkasyota kahit di ka manliligaw, at maging kilabot ng kolehiyala, asa!

Ang pangarap ay nagbibigay saysay sa buhay. Nagpapangiti sa bawat tao kahit nasa utak pa lang ito. Pero mas masaya pag ang pangarap ay natutupad. Madali naman tuparin yung iba, yung iba naman hindi. Wala naman sigurong pangarap na natutupad habang ikaw ay nakaupo lang.

Ang pangarap ko ngayon ay sumaya sa trabaho. Pero may isang problema di ko alam kung san ako magsisimula. Paminsan nakakapagod nang mag-isip kung papano ko siya sisimulan. Nag-iisip ako kung papano, kung hahayaan ko na lang dumating ito ng kusa, gaya ng pag-aantay kong makalipad baka wala ng mangyayari.

Nasa tao pa rin kung gusto nyang tuparin ang minimithing pangarap.

Blog at WordPress.com.